Awit 19

Ang inyong mga utos, ay nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy aking sinusunod.

Psalm 19:11 (UKJV) Moreover by them is your servant warned: and in keeping of them there is great reward.

9Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos ng Panginoon ay matuwid at makatarungan.

10Ang mga itoʼy higit pa kaysa ginto kahit pa sa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan.

11Ang inyong mga utos, ay nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy aking sinusunod.

12Hindi namin napapansin ang aming mga kamalian. Kaya linisin po ninyo ako sa mga kasalanang hindi ko nalalaman.

13Ilayo rin ninyo ako sa kasalanang sadya kong ginagawa. Huwag po ninyong payagan na alipinin ako nito. At mamumuhay ako nang walang kapintasan, lubos na lalaya sa maraming kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.