1Bakit nagsasabwatan ang mga bansa at ang mga taoʼy nagpaplano nang walang patutunguhan?
2Ang mga hari ng mundoʼy handa nang makipagdigma, ang mga pinuno ay nagkaisa laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Mesias.
3Sinabi nila, “Lagutin natin ang kanilang mga kadena Huwag na tayong pasakop kanila!”
4Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila.
5Sa galit ng Diyos, silaʼy binigyang-babala, at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot.