4Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila.
5Sa galit ng Diyos, silaʼy binigyang-babala, at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot.
6Sinabi niya, “Iniluklok ko na ang hinirang kong hari sa kanyang trono sa Zion, sa banal kong bundok.”
7Sinabi ng hari, “Sasabihin ko ang sinabi sa akin ng Panginoon: ‘Ikaw ang aking Anak, at ngayon, ako na ang iyong Ama.
8Sa akiʼy hilingin mo ang mga bansa sa buong mundo, at ibibigay ko ito bilang mana mo.