Awit 20

Silaʼy manghihina at tuluyang babagsak, ngunit kami ay magiging matatag at magtatagumpay.

Psalm 20:8 (UKJV) They are brought down and fallen: but we are risen, and stand upright.

6Ngayoʼy alam kong ang Diyos ang nagbibigay ng tagumpay sa haring kanyang hinirang. Sinasagot niya mula sa banal na langit ang kanyang dalangin, at lagi niyang pinagtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

7May mga umaasa sa kanilang mga kabayo at karwaheng pandigma, ngunit kami ay umaasa sa Panginoon naming Diyos.

8Silaʼy manghihina at tuluyang babagsak, ngunit kami ay magiging matatag at magtatagumpay.

9Panginoon, pagtagumpayin nʼyo ang hinirang nʼyong hari. At sagutin nʼyo kami kapag kami ay tumawag sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.