4Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan, at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay.
5Sa pagtatagumpay mo kami ay sisigaw sa kagalakan, at magdiriwang na nagpupuri sa ating Diyos. Ipagkaloob nawa ng Panginoon ang lahat mong kahilingan.
6Ngayoʼy alam kong ang Diyos ang nagbibigay ng tagumpay sa haring kanyang hinirang. Sinasagot niya mula sa banal na langit ang kanyang dalangin, at lagi niyang pinagtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
7May mga umaasa sa kanilang mga kabayo at karwaheng pandigma, ngunit kami ay umaasa sa Panginoon naming Diyos.
8Silaʼy manghihina at tuluyang babagsak, ngunit kami ay magiging matatag at magtatagumpay.