1Diyos ko, Diyos ko, bakit nʼyo ako pinabayaan? Bakit kay layo nʼyo sa akin? Dumadaing ako sa hirap, ngunit hindi nʼyo pa rin ako tinutulungan.
2Diyos ko, araw-gabiʼy tumatawag ako sa inyo, ngunit hindi nʼyo ako sinasagot, kaya wala akong kapahingahan.
3Ngunit banal ka, at nakaluklok ka sa iyong trono, at pinupuri ng mga Israelita.
4Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala, at silaʼy inyong iniligtas.