18Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan, at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan.
19Tingnan nʼyo kung gaano karami ang aking mga kaaway at kung gaano katindi ang galit nila sa akin.
20Iligtas nʼyo ako, at ingatan ang aking buhay! Nanganganlong ako sa inyo; huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.
21Iligtas nawa ako ng pamumuhay ko nang matuwid at walang kapintasan, sapagkat sa inyo ako umaasa.
22O Diyos, palayain nʼyo po ang Israel sa lahat ng hirap na kanilang pinapasan.