16Lingunin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap.
17Lalong lumalala ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo po ako sa aking mga kalungkutan.
18Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan, at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan.
19Tingnan nʼyo kung gaano karami ang aking mga kaaway at kung gaano katindi ang galit nila sa akin.
20Iligtas nʼyo ako, at ingatan ang aking buhay! Nanganganlong ako sa inyo; huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.