Awit 25

Lalong lumalala ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo po ako sa aking mga kalungkutan.

Psalm 25:17 (UKJV) The troubles of my heart are enlarged: O bring you me out of my distresses.

15Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.

16Lingunin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap.

17Lalong lumalala ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo po ako sa aking mga kalungkutan.

18Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan, at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan.

19Tingnan nʼyo kung gaano karami ang aking mga kaaway at kung gaano katindi ang galit nila sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.