13Mabubuhay sila nang masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupaing ipinangako ng Diyos.
14Malapít ang Panginoonsa mga taong may takot sa kanya, at itinuturo niya sa kanila ang kanyang kasunduan.
15Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.
16Lingunin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap.
17Lalong lumalala ang bigat sa aking kalooban. Hanguin nʼyo po ako sa aking mga kalungkutan.