Awit 25

Mabubuhay sila nang masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupaing ipinangako ng Diyos.

Psalm 25:13 (UKJV) His soul shall dwell at ease; and his seed shall inherit the earth.

11Panginoon, alang-alang sa inyong pangalan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan.

12Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat niyang lakaran.

13Mabubuhay sila nang masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupaing ipinangako ng Diyos.

14Malapít ang Panginoonsa mga taong may takot sa kanya, at itinuturo niya sa kanila ang kanyang kasunduan.

15Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.