Awit 25

Malapít ang Panginoonsa mga taong may takot sa kanya, at itinuturo niya sa kanila ang kanyang kasunduan.

Psalm 25:14 (UKJV) The secret of the LORD is with them that fear him; and he will show them his covenant.

12Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat niyang lakaran.

13Mabubuhay sila nang masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupaing ipinangako ng Diyos.

14Malapít ang Panginoonsa mga taong may takot sa kanya, at itinuturo niya sa kanila ang kanyang kasunduan.

15Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.

16Lingunin nʼyo po ako at inyong kahabagan, dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.