7Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag. Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin.
8Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo.
9Huwag nʼyo po akong pagtaguan! Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil dahil sa inyong galit. Kayo na laging tumutulong sa akin, huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan, O Diyos na aking Tagapagligtas.
10Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.
11Ituro nʼyo sa akin ang daang gusto nʼyong lakaran ko. Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan, dahil sa mga kaaway ko na gusto akong gawan ng masama.