Awit 28

Purihin ang Panginoon, dahil pinakinggan nʼya ang aking pagsusumamo.

Psalm 28:6 (UKJV) Blessed be the LORD, because he has heard the voice of my supplications.

4Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa. Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa.

5Dahil binabalewala nila ang mga gawa ng Panginoon, gigibain nʼya sila at hindi na ibabangon muli.

6Purihin ang Panginoon, dahil pinakinggan nʼya ang aking pagsusumamo.

7Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

8Kayo, Panginoon, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan. Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.