6Purihin ang Panginoon, dahil pinakinggan nʼya ang aking pagsusumamo.
7Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
8Kayo, Panginoon, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan. Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang.
9Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo. Katulad ng isang pastol, bantayan nʼyo sila, at kalungin magpakailanman.