1Panginoon, kay dami kong kaaway; kay daming kumakalaban sa akin!
2“Hindi siya ililigtas ng Diyos.” Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.
3Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag. Pinagtatagumpay ninyo ako, at ibinabalik ang aking pag-asa.
4Tumawag ako sa inyo, Panginoon at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal na bundok.