9“Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan?
10Panginoon, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, Panginoon!”
11Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan,
12upang hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Diyos, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.