1Panginoon, pupurihin ko kayo, sapagkat akoʼy iniligtas nʼyo. Hindi nʼyo pinayagang insultuhin ako ng aking mga kaaway.
2Panginoon kong Diyos, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nʼyo ako.
3Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan. Hindi nʼyo niloob na akoʼy mamatay.
4Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.