5Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.
6Sa panahon ng aking kaginhawahan ay aking sinabi, “Wala akong pangangambahan.”
7Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, Panginoon. Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok. Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo.
8Tumawag ako sa inyo, Panginoon, at nanalangin ng ganito:
9“Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan?