11Kinukutya ako ng aking mga kaaway, at hinahamak ng aking mga kapitbahay. Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan; kapag nakikita nila ako sa daan, akoʼy kanilang nilalayuan.
12Para akong patay na kanilang kinalimutan, at parang basag na sisidlang wala nang halaga.
13Marami akong naririnig na banta laban sa akin. Natatakot akong pumunta kahit saan, dahil plano nilang patayin ako.
14Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon. Sinasabi kong, “Kayo ang aking Diyos!”
15Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.