5Ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu. Iligtas nʼyo ako, Panginoon, dahil kayo ang Diyos na maaasahan.
6Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasamba sa mga diyos-diyosan na walang kabuluhan, dahil sa inyo ako nagtitiwala.
7Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig, dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa, at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan.
8Hindi nʼyo ako ibinigay sa aking mga kaaway, sa halip iniligtas nʼyo ako sa kapahamakan.
9Panginoon, kahabagan nʼyo po ako, dahil akoʼy labis nang nahihirapan. Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak, at nanghihina na ako.