3Dahil kayo ang aking matibay na batong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan.
4Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.
5Ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu. Iligtas nʼyo ako, Panginoon, dahil kayo ang Diyos na maaasahan.
6Panginoon, namumuhi ako sa mga sumasamba sa mga diyos-diyosan na walang kabuluhan, dahil sa inyo ako nagtitiwala.
7Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig, dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa, at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan.