Awit 31

Dahil kayo ang aking matibay na batong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan.

Psalm 31:3 (UKJV) For you are my rock and my fortress; therefore for your name's sake lead me, and guide me.

1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang akoʼy mapahiya. Iligtas nʼyo ako sapagkat kayo ay matuwid.

2Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo sa akin ay batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.

3Dahil kayo ang aking matibay na batong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan.

4Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.

5Ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu. Iligtas nʼyo ako, Panginoon, dahil kayo ang Diyos na maaasahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.