Awit 31

Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang akoʼy mapahiya. Iligtas nʼyo ako sapagkat kayo ay matuwid.

Psalm 31:1 (UKJV) In you, O LORD, do I put my trust; let me never be ashamed: deliver me in your righteousness.

1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang akoʼy mapahiya. Iligtas nʼyo ako sapagkat kayo ay matuwid.

2Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo sa akin ay batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.

3Dahil kayo ang aking matibay na batong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.