1Panginoon, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang akoʼy mapahiya. Iligtas nʼyo ako sapagkat kayo ay matuwid.
2Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo sa akin ay batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan.
3Dahil kayo ang aking matibay na batong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan.
4Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan.