Awit 32

Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon, at walang pandaraya sa kanyang puso.

Psalm 32:2 (UKJV) Blessed is the man unto whom the LORD imputes not iniquity, and in whose spirit there is no guile.

1Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng Panginoon.

2Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon, at walang pandaraya sa kanyang puso.

3Noong hindi ko pa ipinagtatapat ang aking mga kasalanan, buong araw akoʼy nanlulumo at nanghihina ang aking katawan.

4Araw-gabi, hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin. Nawalan na ako ng lakas, tulad ng natuyong tubig sa panahon ng tag-araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.