Awit 33

Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas.

Psalm 33:16 (UKJV) There is no king saved by the multitude of an host: a mighty man is not delivered by much strength.

14Mula sa kanyang luklukan, tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo.

15Siya ang humuhubog sa kanilang puso, at alam niya ang lahat ng kanilang ginagawa.

16Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas.

17Ang mga kabayo ay hindi maaasahan na maipanalo ang digmaan; hindi sila makapagliligtas sa kabila ng kanilang kalakasan.

18Ngunit binabantayan ng Panginoon ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.