12Mapalad ang bansa na ang Diyos ay ang Panginoon. At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya.
13Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon ang sangkatauhan.
14Mula sa kanyang luklukan, tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo.
15Siya ang humuhubog sa kanilang puso, at alam niya ang lahat ng kanilang ginagawa.
16Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas.