Awit 33

Mapalad ang bansa na ang Diyos ay ang Panginoon. At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya.

Psalm 33:12 (UKJV) Blessed is the nation whose God is the LORD; and the people whom he has chosen for his own inheritance.

10Sinisira ng Panginoon ang mga plano ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya. Sinasalungat niya ang kanilang binabalak.

11Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman. At ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad.

12Mapalad ang bansa na ang Diyos ay ang Panginoon. At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya.

13Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon ang sangkatauhan.

14Mula sa kanyang luklukan, tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.