Awit 33

Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon. Siya ang tumutulong at nagtatanggol sa atin.

Psalm 33:20 (UKJV) Our soul waits for the LORD: he is our help and our shield.

18Ngunit binabantayan ng Panginoon ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

19Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan, at sa panahon ng taggutom, silaʼy kanyang inaalalayan.

20Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon. Siya ang tumutulong at nagtatanggol sa atin.

21Nagagalak tayo, dahil tayoʼy nagtitiwala sa kanyang banal na pangalan.

22Panginoon, sumaamin nawa ang inyong matapat na pag-ibig. Ang aming pag-asa ay nasa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.