Awit 33

Awitan ninyo siya ng bagong awit. Tugtugan ninyo siya nang buong husay, at sumigaw kayo sa tuwa.

Psalm 33:3 (UKJV) Sing unto him a new song; play skillfully with a loud noise.

1Kayong mga matuwid, sumigaw kayo sa galak, dahil sa ginawa ng Panginoon! Kayong namumuhay ng tama, nararapat ninyo siyang purihin!

2Pasalamatan ninyo ang Panginoon sa pamamagitan ng mga alpa at mga instrumentong may mga kuwerdas.

3Awitan ninyo siya ng bagong awit. Tugtugan ninyo siya nang buong husay, at sumigaw kayo sa tuwa.

4Ang salita ng Panginoon ay matuwid, at maaasahan ang kanyang mga gawa.

5Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.