7Inipon niya ang dagat na parang inilagay sa isang sisidlan.
8Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa Panginoon,
9dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo; siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.
10Sinisira ng Panginoon ang mga plano ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya. Sinasalungat niya ang kanilang binabalak.
11Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman. At ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad.