5Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.
6Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, ang langit ay nalikha; sa kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin.
7Inipon niya ang dagat na parang inilagay sa isang sisidlan.
8Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa Panginoon,
9dahil nang siyaʼy nagsalita, nalikha ang mundo; siyaʼy nag-utos at lumitaw ang lahat.