4Ang salita ng Panginoon ay matuwid, at maaasahan ang kanyang mga gawa.
5Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.
6Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, ang langit ay nalikha; sa kanyang hininga nagmula ang araw, buwan at mga bituin.
7Inipon niya ang dagat na parang inilagay sa isang sisidlan.
8Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa Panginoon,