Awit 35

At sa gitna ng karamihan, kayoʼy aking papupurihan at pasasalamatan.

Psalm 35:18 (UKJV) I will give you thanks in the great congregation: I will praise you among much people.

16Kinukutya nila ako nang walang pakundangan, at ang kanilang mga ngipin ay nagngangalit sa sobrang galit.

17Panginoon, hanggang kailan kayo manonood lang? Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito na parang mga leon na gusto akong lapain.

18At sa gitna ng karamihan, kayoʼy aking papupurihan at pasasalamatan.

19Huwag nʼyong payagan na matuwa ang aking mga kaaway sa aking pagkatalo. Ang mga galit sa akin nang walang dahilan ay huwag nʼyong payagang kutyain ako.

20Walang maganda sa sinasabi nila, sa halip sinisiraan nila ang namumuhay nang tahimik.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.