14palakad-lakad akong nagluluksa na parang nawalan ng kapatid o kaibigan. Akoʼy yumuyuko at nagdadalamhati para sa kanila na para bang nawalan ako ng ina.
15Ngunit nang ako na ang nahihirapan, nagtitipon sila at nagtatawanan. Nagsasama-sama ang mga kumakalaban sa akin; kahit ang mga hindi ko kilala ay sumasamaʼt walang tigil na akoʼy hinahamak.
16Kinukutya nila ako nang walang pakundangan, at ang kanilang mga ngipin ay nagngangalit sa sobrang galit.
17Panginoon, hanggang kailan kayo manonood lang? Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito na parang mga leon na gusto akong lapain.
18At sa gitna ng karamihan, kayoʼy aking papupurihan at pasasalamatan.