Awit 35

palakad-lakad akong nagluluksa na parang nawalan ng kapatid o kaibigan. Akoʼy yumuyuko at nagdadalamhati para sa kanila na para bang nawalan ako ng ina.

Psalm 35:14 (UKJV) I behaved myself as though he had been my friend or brother: I bowed down heavily, as one that mourns for his mother.

12Ginagantihan nila ako ng masama sa mga kabutihang aking ginawa, kaya akoʼy labis na nagdaramdam.

13Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkot para sa kanila; nagdaramit ako ng sako at nag-aayuno pa. At kung ang aking dalangin para sa kanilaʼy hindi sinasagot,

14palakad-lakad akong nagluluksa na parang nawalan ng kapatid o kaibigan. Akoʼy yumuyuko at nagdadalamhati para sa kanila na para bang nawalan ako ng ina.

15Ngunit nang ako na ang nahihirapan, nagtitipon sila at nagtatawanan. Nagsasama-sama ang mga kumakalaban sa akin; kahit ang mga hindi ko kilala ay sumasamaʼt walang tigil na akoʼy hinahamak.

16Kinukutya nila ako nang walang pakundangan, at ang kanilang mga ngipin ay nagngangalit sa sobrang galit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.