Awit 35

Ngunit nang ako na ang nahihirapan, nagtitipon sila at nagtatawanan. Nagsasama-sama ang mga kumakalaban sa akin; kahit ang mga hindi ko kilala ay sumasamaʼt walang tigil na akoʼy hinahamak.

Psalm 35:15 (UKJV) But in mine adversity they rejoiced, and gathered themselves together: yea, the outcasts gathered themselves together against me, and I knew it not; they did tear me, and ceased not:

13Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkot para sa kanila; nagdaramit ako ng sako at nag-aayuno pa. At kung ang aking dalangin para sa kanilaʼy hindi sinasagot,

14palakad-lakad akong nagluluksa na parang nawalan ng kapatid o kaibigan. Akoʼy yumuyuko at nagdadalamhati para sa kanila na para bang nawalan ako ng ina.

15Ngunit nang ako na ang nahihirapan, nagtitipon sila at nagtatawanan. Nagsasama-sama ang mga kumakalaban sa akin; kahit ang mga hindi ko kilala ay sumasamaʼt walang tigil na akoʼy hinahamak.

16Kinukutya nila ako nang walang pakundangan, at ang kanilang mga ngipin ay nagngangalit sa sobrang galit.

17Panginoon, hanggang kailan kayo manonood lang? Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito na parang mga leon na gusto akong lapain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.