25Huwag nʼyong hayaang sabihin nila sa kanilang sarili, “Sa wakas, nangyari rin ang gusto naming mangyari, natalo na rin namin siya!”
26Mapahiya sana silang nagmamalaki sa akin at nagagalak sa aking mga paghihirap.
27Sumigaw sana sa kagalakan ang mga taong nagagalak sa aking kalayaan. Palagi sana nilang sabihin, “Purihin ang Panginoon na nagagalak sa tagumpay ng kanyang mga lingkod.”
28Ihahayag ko sa mga tao ang inyong pagkamakatuwiran, at buong maghapon ko kayong papupurihan.