6Maging madilim sana at madulas ang kanilang dinadaanan, habang silaʼy hinahabol ng inyong anghel.
7Naghukay sila at naglagay ng bitag para sa akin, kahit wala akong ginawang masama sa kanila.
8Dumating sana sa kanila ang kapahamakan nang hindi nila inaasahan. Sila sana ang mahuli sa bitag na kanilang ginawa, at sila rin ang mahulog sa hukay na kanilang hinukay.
9At akoʼy magagalak dahil sa inyong pagliligtas sa akin, Panginoon.
10Buong puso kong isisigaw, “Panginoon, wala kayong katulad! Kayo ang nagliligtas sa mga dukha at api mula sa mga mapagsamantala.”