Awit 36

Bumubulong ang kasalanan sa puso ng masamang tao. Ni wala man lang siyang takot sa Diyos.

Psalm 36:1 (UKJV) The transgression of the wicked says within my heart, that there is no fear of God before his eyes.

1Bumubulong ang kasalanan sa puso ng masamang tao. Ni wala man lang siyang takot sa Diyos.

2Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan upang kamuhian ito.

3Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan. Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.