Awit 36

Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila nang masaganang handa, at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan.

Psalm 36:8 (UKJV) They shall be abundantly satisfied with the fatness of your house; and you shall make them drink of the river of your pleasures.

6Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan. Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan. Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon.

7Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Diyos! Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo, tulad ng pagkalinga ng inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak.

8Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila nang masaganang handa, at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan.

9Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay. Pinapaliwanagan nʼyo kami, at naliliwanagan ang aming isipan.

10Patuloy nʼyong ibigin ang mga kumikilala sa inyo, at bigyan nʼyo ng katarungan ang mga namumuhay nang matuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.