15Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espada at mababali ang kanilang mga pana.
16Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabuti kaysa sa kayamanan ng masama.
17Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid, ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama.
18Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon ang mga taong matuwid. At tatanggap sila ng gantimpalang pangwalang hanggan.
19Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan. Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.