13Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon ang mga masama, dahil alam niyang malapit na ang oras ng paghahatol.
14Binunot na ng masasama ang kanilang mga espada, at nakaumang na ang kanilang mga pana upang patayin ang mga dukha na namumuhay nang matuwid.
15Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espada at mababali ang kanilang mga pana.
16Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabuti kaysa sa kayamanan ng masama.
17Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid, ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama.