20Ngunit ang mga taong masama ay mamamatay. Ang mga kaaway ng Panginoon ay tulad ng bulaklak sa parang, Silaʼy maglalaho na gaya ng usok.
21Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana.
22Ang mga pinagpapala ng Panginoon ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel. Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.
23Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.
24Matisod man siyaʼy hindi siya mabubuwal, dahil hinahawakan siya ng Panginoon.