5Kay ikli ng buhay na ibinigay nʼyo sa akin. Katumbas lang ng isang saglit para sa inyo. Itoʼy parang hangin lamang na dumadaan,
6o kayaʼy parang anino na nawawala. Abala siya sa mga bagay na wala namang kabuluhan. Nagtitipon siya ng kayamanan, ngunit kapag siyaʼy namatay, hindi na niya alam kung sino ang makikinabang.
7At ngayon, Panginoon, ano pa ang aasahan ko? Kayo lang ang tanging pag-asa ko.
8Iligtas nʼyo ako sa lahat kong kasalanan, at huwag nʼyong hayaang pagtawanan ako ng mga hangal.
9Akoʼy mananahimik at hindi na ibubuka pa ang aking bibig, dahil nanggaling sa inyo ang pagdurusa kong ito.