7At ngayon, Panginoon, ano pa ang aasahan ko? Kayo lang ang tanging pag-asa ko.
8Iligtas nʼyo ako sa lahat kong kasalanan, at huwag nʼyong hayaang pagtawanan ako ng mga hangal.
9Akoʼy mananahimik at hindi na ibubuka pa ang aking bibig, dahil nanggaling sa inyo ang pagdurusa kong ito.
10Huwag nʼyo na akong parusahan. Akoʼy parang mamamatay na sa dulot nʼyong kahirapan.
11Dinidisiplina nʼyo ang tao kapag siya ay nagkakasala. Katulad ng gamo-gamo, inuubos nʼyo rin ang kanilang mga pinahahalagahan. Tunay na ang buhay ng tao ay pansamantala lamang.