Awit 40

Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!”

Psalm 40:15 (UKJV) Let them be desolate for a reward of their shame that say unto me, Aha, aha.

13Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

14Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak.

15Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!”

16Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga naghahangad ng inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakila ka, o Panginoon!”

17Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Diyos, agad nʼyo akong tulungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.