12Hindi ko na kayang bilangin ang napakarami kong suliranin. Para na akong natabunan ng marami kong kasalanan, kaya hindi na ako makakita. Ang bilang ng aking mga kasalanan ay mas marami pa kaysa sa aking buhok. Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa.
13Panginoon, pakiusap! Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.
14Mapahiya sana at malito ang lahat ng nagnanais na mamatay ako. Magsitakas sana sa kahihiyan ang lahat ng mga nagnanais na akoʼy mapahamak.
15Pahiyain nʼyo nang lubos ang mga nagsasabi sa akin, “Aha! Napasaamin ka rin!”
16Ngunit ang mga lumalapit sa inyo ay magalak sana at magsaya. Ang mga naghahangad ng inyong pagliligtas ay lagi sanang magsabi, “Dakila ka, o Panginoon!”