9Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan na kasalo ko palagi sa pagkain at pinagkakatiwalaan, nagawa akong pagtaksilan!
10Ngunit kayo Panginoon, akoʼy inyong kahabagan. Pagalingin nʼyo ako upang makaganti na ako sa aking mga kaaway.
11Alam kong kayoʼy nalulugod sa akin, dahil hindi ako natatalo ng aking mga kaaway.
12Dahil akoʼy taong matuwid, tinutulungan nʼyo ako at pinapanatili sa inyong presensya magpakailanman.
13Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, magpakailanman. Amen! Amen!